Friday, July 9, 2010

Nitong Summer Bit 1



Nitong Summer, nadiskubre ng magpinsan ni Batangthomas at pinsang Kuya niya ang MTV ng 21 Guns ng Greenday sa Youtube. Akala nya si Adam Lambert si Billy Joe Armstrong kaya lalo siyang naging interesado. Di nagtagal kabisado na niya yung kanta, at nitong birthday nina Loloheart at Lolaheart ay kinantahan niya nito sila. Kinakanta-kanta rin niya ang "Know Your Enemy" na parang "Ikaw na May Baril" ni Joey Ayala. Nakakatuwa ang mga kanta ng Greenday dahil ang ilan ay social commentaries -- at dahil interesado si Batangthomas, nakakatulong sa pagpapaliwanag sa kanya sa mga lagim at kaganidang nagsasapanganib sa ating mundo.

Salamat Anak, itong American Idiot version ay isa sa mga paborito ngayon ni Nanay. Naiiyak ako sa ganda ng mga boses ng mga umawit.

Itong "Nitong Summer" bits ay tangka namin ni Tatay na ireconstruct ang highlights ng summer ni Batangthomas bago magkuwento tungkol sa kanyang nakakaaliw (kahit pa anong nakakapagod sa Nay at Tay, haaaaay) na buhay Grade 2. Sana nga ma-keep-up namin ito, kasabay ng pagsusulat ng 'bits' sa development ng munting anghel na tatawag ng "Kuya" kay Batangthomas. :)