Tuesday, November 23, 2010

Nitong Summer Bit 3

Hanggang sa mga huling pahabol na ito sa "Si Kuya bago dumating si Bunso", marami pa rin kaming naaalalang moments na di pa nasasali.

Isa na yung pagsama niya sa Jericho March bago mag- Eleksyon 2010. With Pagbabago! People's Movement for Change as one of its main players, nagtipun-tipon sa Jericho March ang iba't ibang civil society groups. Tatlong beses inikutan ang Commission on Elections building para iparamdam ang vigilance ng mamamayan sa panahon ng eleksyong inaasahang dulo na ng Arroyo administration. Nag-enjoy si Kuya maki-march kasama si Loloheart, Auntie Sister at Tay -- laluna dahil nag-iingay gamit ang samutsaring gadget gaya ng mga kawayan, triangles, musical instruments, atbp.

Samantala, heto pa'ng photos ng mga nadescribe na sa Bit 2 -- ang kanyang swimming lessons,



office pals


at beloved cousins Tay side (minus the panganay na cousin na mailap sa camera, he he).




Isa pang precious -- yung lumang tren na pamana ni Loloheart sa kanya. Inumpisahan na nilang kabitan ng pangremedyong parts (floppy disk boxes, floppy disks, etc.) --



No comments: